Ika-tatlong araw

Tatlong araw na since nag-start ang class namin. So far so good. Yung ibang prof nagtuturo na, yung iba naman discussion lang ng bagong grading system, attendance and course syllabus, then okay na.

Nung first day, ewan ko ba bat sinipag ako, well ganun naman talaga ang studyante, pag first day masipag tas kalaunan tatamarin naahem!. Binilang na nga namin ng mga tropa ko kung sino yung mga mukhang mapapariwara sa mga freshmen. hahaha! Yung iba kase, mapa-lalake o babae, freshmen pa lang todo yosi na, ang aangas na. Ewan ko nalang kung kayanin nila. hahaha. :)))))))))

Second day 8am ang klase ko, pinasukan ko din kase major subject, di ko pa alam kung sino ang prof, baka masipag e magturo agad kaya pumasok ako. Yung thesis adviser pala namin yung prof namin dun, nag discuss na lang sya about sa grading system, syllabus, attendance then tapos na, next meeting daw ang klase. Sumunod nun nakipag-bonding ako sa madaming tao, iba-iba. Feeling ko ang dami kong kaibigan sa school. Kase kahit wala yung mga orig na tropa ko, may nakaka-sama pa din ako. 10pm na nga ako naka-uwi sa bahay e, tambay lang sa school tas kwentuhan at kung ano-ano pa. Oo nga pala, sa college nyo ba may videoke sa canteen? Samin meron, kulang nalang alak. hahaha. :))))

Third day, panget ang umpisa ng araw ko. BV kase sa bahay. As usual, gawa na naman ng aking mga butihing magulang. Pero sumaya naman ang araw ko kasama si Munch(simplyme-mimi) at ang CoolGuys, later on nung mga 6:30 na, nag SM kami ni Munch at Shiro (walang tumblr). Sobrang saya. Sabi nga nila ang lungkot napapalitan ng saya.

Ewan ko ba, ang non-sense ng kwento ko. Pweo gusto ko talagang i-share to kase feeling ko talaga binigyan ako ng maraming kaibigan ni God para ma-motivate ako na ipagpatuloy ang buhay ko. Thank you Lord. :)))))))

Ayos mga balita ngayon e no, puro bugbugan.

Gusto mo bugbugin kita? Ng yakap, halik at pagmamahal ko? hahaha.

Bugbugan, It’s more fun in the Philippines. hahaha!

Friends vs Lover
“Kahit sabihin mo pa na mas mahalaga SILA kesa sa KANYA, uunahin at uunahin mo pa din SYA.”

Wag na wag mong sasabihin sa tropa mo na mas mahalaga sila kesa sa taong gusto mo, na kung papipiliin ka kung tropa o lovelife e tropa ang pipiliin mo, wag kang impokrito/ta. 

Aminin mo, mas gusto mo minsan o madalas na kayo lang dalawa, pag nga may gimik ang barkada hindi ka na nakakasama. Minsan naman matagal ng planado ang lakad nyo ng tropa, biglang “ay may lakad kami ni gf/bf e, sorry can’t go”, badtrip lang di ba?

Wag kang mag sasalita ng tapos. Wag ka din mag sasalita ng bagay na taliwas naman sa mga ginagawa mo.

Hindi mo kailangan paasahin ang mga kaibigan mo sa mga bagay na mas malabo pa kay boy pick-up.


Outdated

Feeling ko wala na akong kaalam-alam sa mga nangyayare dito sa Tumblr. Kelan nga ba yung last post ko??? hmm.. O well, medyo busy lang talaga. Ang dami kong kwento. Pero sa susunod nalang siguro. Sasagad-sagarin ko na.

Sarap maligo sa bath tub na puno ng tubig at yelo. Grabeng init.

Kakaligo ko lang pero pakiramdam ko init na init na naman ako. Grabeng init ngayon. Kailangan na yatang magpakabit ng sampung aircon sa kwarto ko, di na ko lalabas.

Effin’ hot.

God never fails

Alam ni God na wala akong kakuntentuhan, lahat nalang yata ng bagay gusto ko, pero alam nya na ang dinadasal ko lang naman sa kanya lagi e yung kapakanan ng pamilya ko, at hinding-hindi sya pumapalya dun.

IloveGod. Sabi nga nila “love God first and everything else will follow.”. :)

Never be a fucking option! Ü

Hindi mo kailangan mag-sorry kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sakin. Hindi ko rin naman akalain na mag tatapat ka at magpaparamdam ng ganun. Pero kung hindi ka sigurado, wala naman akong keme dun e. Tutal ikaw naman yung nakaka-ramdam nyan at hindi ako, nasa sa iyo yan kung ano ba talagang gusto mo.

Hindi mo naman kailangan mag-sorry sakin kase unang-una nga hindi naman tayo, at hindi ko rin naman alam na may ganun palang feelings ka para sakin. Pero wag na wag kang ma-a-iloveyou sakin kung hindi ka naman sincere at may nararamdaman ka pa sa dati mong gusto. Para kasing napakadali mong sabihin yung word na yun kahit hindi ka naman sigurado. Mamaya nyan maniwala ako, hindi naman pala totoo. Mabuti na yung nililinaw ko na bago pa mahuli ang lahat.

Saka alam mo naman na ayaw ko na binabago ako, nakilala mo ako ng ganito, tanggapin mo ako ng ganito, hindi mo naman siguro ako magugustuhan kung ayaw mo ng may bisyo ako diba? Saka hindi ako dapat ang kinikilala mo, ikaw dapat ang kinikilala ko at ikaw ang dapat nag babago.

Diba?

Masaya ka ba talaga?

O nagpapanggap ka lang? Pinapakita mo lang ba sa kanya na masaya ka, pinapakita mo lang ba na hindi ka apektado pero sa isip mo apektadong-apektado ka na talaga. Kapag nakikita mo syang masaya, kapag nakikita mong wala syang pakielam sayo, masakit syempre, pero hindi mo naman kailangan na damdamin yun, tama lang na lokohin mo ang sarili mo, kesa naman ibandera mo sa mundo ang mukha mong byernes-santo, ipamukha mo sa kanya ang paghihimutok mo na wala din namang pupuntahan dahil wala nga syang pakielam sayo. Wala syang pakielam sayo.

Dear Kupido

Bakit ang daya-daya mo. Ang unfair mo sobra.

Kelan mo ba ko papanain at papanain mo din yung taong nili-link mo sakin? Para mutual naman at hindi one-sided-love lang. Kase sa totoo lang, sawang-sawa na ko. Sa totoo lang, ayoko na.

Ayoko ng maranasan yung ako lang yung iiyak, ako lang yung maiinlab, ako lang yung magmumukhang tanga at ako lang yung nasasaktan. Naaawa din ako sa sarili ko, ang galing ko kaseng mag-payo sa iba, pero ako, hindi ko kayang gawin para sa sarili ko.

Sana minsan maging fair ka naman, kahit minsan lang.


Ang unang pag akyat. Mt. Talamitam in Nasugbu Batangas. Makalampas/Bago mag Batulao depende kung san ka galing.

Hingal na hingal ako nyan. Tapos lamig na lamig nun gabi. Pero sulit talaga. Ansarap. Uulitin ko pa to. :))

Status ng isa sa FB friends ko.

Kanya-kanyang pananaw yan. Depende sa sitwasyon. Depende kung paano mo panghahawakan ang oras mo, kung paano mo pag dedesisyunan ang mga bagay. Kung paano ka mabubuhay. Lahat yan nakadepende sayo.

Napakadaming Chance at choices, ikaw ang gagawa ng sarili mong destiny.

Sa usapang Third Party

Sobrang unfair nito, paano naging unfair? 1..2..3..

Una. Unfair sa girlfriend or boyfriend mo kase mahal ka nya, pinagkaka-tiwalaan ka nya at hindi nya alam na sa hating gabi o madaling araw pag tulog na sya o pag di mo sya kasama e may kausap ka na palang ibang chix o boylet sa phone. Unfair kase hindi nya alam na bukod sa kanya, may iba ka pa palang nahahalikan. Unfair sa bf/gf mo dahil sya yung tao na nasa posisyon nabinigay-kong-lahat-sayopero hindi nya pa din nakuha ang pagmamahal na deserve nya mula sayo.

Pangalawa. Unfair sayo yun. Kase hindi mo naman deserve na matawag na walanghiya, gago, manloloko at kung ano-ano pa. You don’t deserve that right. Unfair sayo kase kailngan mo pang mag gawa ng kwento o kasinungalingan para lang makapam-babae o lalake ka. Oo masaya ka, pero nakukuntento ka ba? Kapag nakakasakit ng dadamin ng iba? Kapag nasasaktan mo ang taong mahal mo? Hindi naman diba? Unfair sayo yun, kase sa bandnag huli pag nalaman ng bf/gf mo e baka isumpa ka nya pati mga kanunu-nunuan mo.

Pangatlo. Unfair sa kabet mo. Dahil ikaw naman yung lumalandi. Unfair sa kanya kase sasabihin mo na wala kang jowa pero ang totoo e ang tagal nyo na pala. Hindi kasalanan ng nilalandi mo yun. At unfair yun. Unfair sa kanya yun kase kapag nalaman nya ang totoo na kabet lang sya, masasaktan din sya. At unfair sa kanya dahil baka mag kasakitan pa sila ng bf/gf mo.

So sa mga may jowa jan, igapos nyo na ang karelasyon nyo.