Mahirap talagang magpanggap na hindi ka nasasaktan. Yung tipong chill ka lang kapag nandyan sya, masaya tapos may kinu-kwento pa syang tao na sobrang gusto nya. Minsan pa, ikukwento nya pa yung happy moments nila, ikaw naman nakikinig, minsan nga nagtatanong ka pa, pero alam mong may posiblidad na masasaktan ka sa mga sagot nya, pero ayun, dahil pretender ka nga, cool ka lang, parang wala lang.
Na-master ko na yan e. Parang kung baga sa subject, paulit-ulit kong na-take hanggang sa na-master ko na kung paano ang sistema ng pagpapanggap. Pagpapanggap na hindi masakit, okay lang at wala akong pakielam.
Sinasabi ko sa mga nanghihingi sa akin ng advice sa lovelife nila (naks love adviser ang peg) e wag muna intindihin yang lovelife na yan, landi landi muna, para wala munang sakit sakit. Pero hindi nila alam, nasasaktan din ako, may pinagdadaanan din ako, hindi nila pansin yun, kasi nga PRETENDER AKO.
Para akong si ZERO/Lelouch sa Code Geass, hanep kung magpanggap. Para akong may maskara. Pero hindi ko naman kasi dinidibdib masyado ang sitwasyon. Masaya pa naman ako kasi kahit papano, kapag kailangan ko ng taong masasandalan, yung taong gusto ko, andyan sya para sakin, kasi nga KAIBIGAN nya ako. Okay na yung ganon. Medyo Tanga e.
Human Bridge, yan yung tawag sa mga tao na tumutulong sa dalawang tao para maging malapit sila sa isa’t isa at maging magkarelasyon, kung sa tagalog e, TULAY.
Yung tipong may isa kang kaibigan tapos nagka-gusto sya sa isang tao, nag patulong sya sayo at ikaw naman ay willing na willing tumulong, isa kang human bridge.
E pa’no kung masira ang tulay? Yung tipong habang tinutulungan mong maging malapit sila e nagiging malapit na din pala ang loob mo sa isa. Kunyare lalake ka, tas may tropa kang lalake na nagpatulong sayo na diskartehan yung babae, sa mga panahon na tumutulong ka, nahuhulog ka na din pala. Ang hirap siguro ng sitwasyon na yun.
E paano naman kung babae ka, tapos ang nagpa-tulong sayo e kaibigan mong lalake para diskartehan ang isang babae, pero hindi alam ng kaibigan mo, na nasasaktan ka na pala, kase GUSTO MO SYA, pero hindi nya mapansin, kase nga may gusto syang iba, at ikaw pa ang napili nya na tumulong sa kanya. E ikaw naman, medyo tanga, pa-martyr ang peg, tutulong, sasabihin mo na SIGE, OKAY LANG pero sa loob loob mo, AYOKO TALAGA, PERO AYOKO NAMAN NA TANGGIHAN KA, KAHIT ETO NALANG MAGAGAWA KO PARA SAYO, ICE NA.
Ang tao nga naman, kung minsan, mas pipiliin pa na nasasaktan sila, kesa mapa-layo sa taong gusto nila. O well, mahirap talaga maging human bridge, walang benefit. Buti ba kung ililibre ka ng tinutulungan mo e, e hindi. Haha! :)
Wag mong gawin yan para makalimutan lang sya.
Wag mong gawin yan para mawala ang sakit na iyong nadarama. Alam kong hindi ganoon kadali na wala na sya, as in wala na, pero wag mong hayaan na masaktan mo sila, ang mga taong nagmamahal sayo, dahil lang sa pagaakala na mawawala ang sakit at makakalimutan mo nalang basta ang lahat.
Hindi ito basketball na “if you control the rebound you control the game” at lalong hindi panty na “panakip butas” ang mga taong nagmamahal sayo.
Tigilan mo na yan. Hayaan mong ikaw nalang ang makaramdam ng sakit, wag ka ng mandamay.
Loveless ka ba? Sige basahin mo lang. Happy ba ang lovelife mo? Pwedeng hindi mo basahin to, optional ang choice mo.
Kelan ka ba huling nagmahal? Kelan ka ba huling nagmahal nang totoo? Yung may maghahatid sayo tuwing may pagkakataon, yung may susundo sayo pagkatapos ng klase o trabaho, yung gusto mo pa lang sumandal ay papasandalin ka na, yung gusto mong mag diet pero papakainin ka nang papakainin, yung pupunasan yung pawis mo gamit ang panyo nya, yung ka halikan mo sa inuman, yung pagbabawalan kang mag yosi yung dahilan nang pag load mo araw araw, yung dahilan ng pagkapuyat mo gabi gabi, yung dahilan nang pagsisinungaling mo sa magulang mo, yung magaaway kayo nang mag aaway pero magbabati din kayo, yung laging nagtatanong kung nasan ka na, yung daig pa magulang mo. Kelan ba yung huling pagkakataong may nag I love you sayo?
Naiisip mo ba ngayon yung “KELAN NGA BA?”. Na-re-realize mo ba na ang ALONE mo na pala talaga, tas naiinggit ka na ngayon sa mga taken? Oo nga at walang tatalo sa pakiramdam na wala kang iniisip, walang dadagdag sa problema mo, yung feeling na MALAYA KA.
Pero hanggang kailan mo gugustuhin yan? Hanggang kailan mo ipipilit sa sarili mo na “I’m single and I’m loving it!”, pero deep inside feeling mo forever alone ang peg mo?
At ngayon na nababasa mo to, gustong-gusto mo ng magka-lovelife kasi na-realize mo, gusto mo ng maranasan o gusto mo ng maranasan ulit ang lahat ng mga bagay na yan..
Wag mo ng isipin kung kelan ang huling pagkakataon na kinilig ka ng totoo, umaksyon ka na. Kase baka TUMANDA KA NG MAG-ISA.
Mahal mo sya. Mahal ka din nya. Nasa isang relasyon kayo.
Feeling mo sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Feeling mo sya lang ang dapat pinagtutuunan mo ng oras mo. Kahit hindi nya hilingin na mag-spend ka ng time kasama sya, nandyan ka pa din, nakapaligid sa kanya. Ayaw mo din nung may ibang nagte-teks bukod sa kanya, lahat ng messages nya, sweet or hindi, ise-save mo pa din sa inbox mo, walang bura-bura.
Yung ilang minuto lang kayong hindi nag-kita feeling mo isang buong araw na, grabe mo na syang tadtarin ng teks, kung nasan sya at ano’ng ginagawa nya. Pati password nya sa FB, Twitter, Tumblr o sa iba pang social networking sites ay gusto mong malaman. Pati pa yung mga text messages nya sa phone nya gusto mo laging chini-check. Yung tipong obsessed ka na sa kanya, parang ini-stalk mo yung sarili mong karelasyon, parang wala kang tiwala.
Sabihin na natin na oo, gusto mo lang na lagi mo syang kasama, kasi nga mahal mo sya. Overwhelmed naman siguro ang karelasyon mo kung gusto mo na lagi syang nandyan, pero isipin mo na hindi lang sayo umiikot ang mundo nya, maging ikaw ay maraming bagay na dapat gawin. Hindi naman siguro gugustuhin ng taong mahal mo na walang nangyayare sa buhay mo dahil lang sa paguubos mo ng oras kasama sya. Saka hindi din naman siguro maganda kung magka-sama na kayo maghapon tapos magka-teks o magka-chat pa kayo pag-uwi, nakaka-sawa naman pag ganun.
Minsan kailangan natin bigyan ng space ang taong karelasyon natin, yung bang “ME TIME”, oras nya para sa sarili nya. Bigyan mo din sya ng privacy, hindi purket magka-relasyon kayo e sasabihin nya na lahat sayo, sa magulang nya nga nakakapag-tago sya ng sikreto, sayo pa kaya? Hayaan mo lang sya. Ayaw mo naman sigurong isipin nya na NASASAKAL SYA, diba?
Baka humantong yan sa “Mahal mo sya. Minahal ka nya. Kaso sinakal mo sya.”
Posible pala talagang mahalin mo ang isang tao na una pa lang ay alam mo ng hindi perpekto. Yung alam mo ng andaming panget sa ugali at personalidad nya, pero sa kabila ng lahat ng katangian na yon, mahal mo pa din sya. Minsan nga, kahit hindi na tama, kahit puro sakit na ang lahat-lahat at laging ibinibigay nya sayo, dahil mahal mo sya, titiisin mo. Posible pala talagang maging tanga ka ng sobra-sobra para lang sa taong yun, para lang sa kanya lulunukin mo na lahat ng pride mo, yung tipong kulang nalang ikaw na mismo tumapak sa pagka-tao mo. Kahit na gusto mong mag-reklamo, isumbat sa kanya lahat-lahat, iparamdam sa kanya ang sakit na nararamdaman mo at bitawan sya, hindi mo magawa, kasi nga mahal mo sya. Yung tipong kapag nasaktan ka nya, isang I LOVE YOU nya lang at konting lambing at sorry, okay na lahat, kahit paulit-ulit nya pang gawin, kase nga mahal mo. Kahit sabihan ka pa ng mga kaibigan mo na TANGA KA, GO ka pa din, kasi nga mahal mo at malamang-lamang, iniisip mo na wala ng ibang magmamahal sayo, kaya gagawin mo lahat, maisalba lang ang relasyon nyo. Posible no? Positive!
Kung mababasa mo man ito o hindi. Bahala na, hindi ko alam kung ano pa ba ang gagawin ko. Basta sa mga oras na to, gusto ko lang isulat ang lahat ng to habang nararamdaman ko pa, baka mawala at hindi ko na muling maalala pa.
Gusto ko sanang isulat nalang sa papel para maging pribado pero ito, kahit minsan man lang sa buhay ko maipakita ko sayo kung gaano ka kaimportante sa akin kung hindi mo na nararamdaman pa katulad ng dati.
pribado o hindi, wala namang diperenya dahil alam ko na sa tuwing bubuka ang bibig ko sayo, wala ka nang paniniwalaan dahil binalot na ng kasinungalingan ang relasyong to. Parang ang sarap lang balikan nung mga panahon na masaya pa tayong dalawa at walang taong pumapalagitna sa atin. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magsorry o hindi nalang. Tutal din naman ang sorry, hindi na uso sa ating dalawa.
Nakakalungkot isipin na hindi na tayo nagro-grow ng magkasama tulad ng mga pangako natin noon sa isa’t-isa nung masaya pa tayo at matibay at tila hindi mabubuwag ng kahit na sino.
Kung nagkaroon lang sana ako ng perpektong buhay baka nabigyan kita ng kahit kakarampot man lang sa mga pangarap mo sa isang relasyon. Kung nagkaroon sana ako ng maayos na buhay eh hindi din ako nasasaktan ng sobra sobra ngayon. Hindi mo sana ako iniwan, kung naging maayos lang ang buhay ko.
Ikaw na siguro sa tingin mo ang pinakamalas na lalake dahil sa akin ka napunta na puro drama nalang yata ang naririnig at parang dumaan lang ang sarap at saya. Pasensya na kung ang tindi kong pabigat. Mainam to dahil hindi kita maririnig magsalita at sasagot ng mga bagay na lalo lang makakasakit sakin.
Alam ko hindi na tayo makakapagusap katulad ng dati, hindi na natin magagawa yung mga bagay na ginagawa natin dati. Ngayon kada maguusap tayo, isa sa atin ang madalas na sinungaling at ako yun. Magsisinungaling ako na wala na sa akin ang lahat, na hindi masakit at kayang-kaya ko na.
Wala akong choice kung ako nalang magisa ang andito. Sana maisip mo na hindi lang ako ang laging nagkakamali. Hindi lang ikaw ang laging tama. At ginagawa ko kung ano man yung ginagawa ko dahil mahalaga ka sa akin, at yung pinagsamahan natin.
Ikaw nalang ang meron ako at sinadya mo man o hindi na saktan ako, hindi na mahalaga yun, the damage has been done, pero hindi ako galit sayo, ayokong magalit sayo. Kasi, mahal kita. Noon at Ngayon.
Kung nag-tyaga ka lang sana tulad ng pagtyatyaga ko, kung nag sakripisyo ka tulad ng pag sasakripisyo ko, kung minahal mo lang ako tulad ng pagmamahal ko sayo.. Hindi sana gan’to. Nag-iisa nalang ako, ang totoo nyan matagal mo na akong iniwan sa laban na to. Sabi nga ng tropa ko, relationship is not a one-way road, it’s a two way, hindi lang isa ang nag mamahal. Naniniwala ako na minahal mo din ako. Pero hindi tulad ng pagmamahal ko sayo.
Hanggang doon na nga lang siguro ang lahat. Alagaan mo ang sarili mo. Sana maging masaya ka. :)))
Love, J
Ganun na lang talaga siguro kadaling bitawan ang isang bagay na wala ka naman balak hawakan ng mahigpit.
Ang saya-saya ko pa ikwento ang mga bagay bagay na ginawa nya para sakin, well things have changed and I end up crying for him, ‘cause he left me. Wala man lang ha, he, hi.. basta wala na. Hindi na sya masyadong masakit, kase nitong mga nakaraang linggo, parang ganun na din naman e.
Gusto ko pa sana sagipin ang nalulunod namin na pag-ibig, ayoko pa sanang bumitaw, gusto ko pang lumaban. Pero mahirap ipaglaban ang isang tao na nag-iintay nalang ng pagsuko mo.
Hindi ako galit sa kanya. I don’t feel anything bad against him. Namimiss ko nga sya e. Yung pinagsamahan namin. Everything that he did for me. Everything that we’ve been through. Yung US, WE, KAMI, Sya at Ako. Yung mga jokes nya, pang-aasar nya. Yung HUGSANDKISSES. Lahat. :(
Too bad. I guess it was just another FAILy Tail for me. O’well, life goes on. At least hindi ako ang nag-kulang. :)))))))
I was sitting on a beach one summer day, watching two children, a boy & a girl, playing in the sand they were hard at work building an elaborate sand castle by the water’s edge w/ gates & towers & moats & internal passages.
Just when they had nearly finished their project, a big wave came along & knocked it down, reducing it to a heap of wet sand.
I expected the children to burst into tears, devastated by what had happened to all their hard work. But they surprised me.
Instead, they ran up the shore away from the water, laughing & holding hands, & sat down to build another castle.
I realized that they had taught me an important lesson. All the things in our lives, all the complicated structures we spent so much time & energy creating, are built on sand.
Only our relationships to other people endure. Sooner or later, the wave will come along & knock down what we have worked so hard to build up. When that happens only the person who has somebody’s hand to hold will be able to LAUGH..
– by Rabbi Harold Kushner..kasi mahal kita. :)
Paano kung merong isang taong napalapit sayo? Yung tipong gusto mo sya at feeling mo gusto ka din naman nya, pero, BABAE ka?
E kase naman, bat ba ang hirap maging babae kung minsan? Kahit sabihin pang 21st century na ‘to, iba na ang mundong ginagalawan natin at hindi na uso si Maria Clara, iba pa din pag ang babae ang unang gagawa ng move. Unang mag teteks at unang mag-ch-chat. Yung unang lalapit at kakausap sa lalake. Minsan mahirap magmukhang obsessed.
Paano na nga yun, paano na lang kung gusto mo syang i-teks? O kaya naman gusto mo syang i-chat sa Facebook. Ngangahan nalang ba ang drama? Pagmamasdan at tititigan mo nalang ba babae ang pangalan ni lalake sa phonebook mo or sa chatbox? Hanggang ganun nalang ba ang emote mo ‘Te?
Sa totoo lang, wala naman sense tong post na to e. Wala akong sagot sa mga tanong ko. Akala nyo may mapapala kayo dito no?
Nganga na lang siguro ako. Magbabasa ng love story sa wattpad, makikinig ng love songs at iintayin ang maraming bukas hanggang dumating ang tagsibol sa aking lovelife. Sa aking LOVE LIFE.
Note: Relationship Status ko? Its Constipated. Meaning, hirap akong ilabas ang feelings ko para sa kanya. Echos! Wala naman talaga e. :)))))))))
O nagpapanggap ka lang? Pinapakita mo lang ba sa kanya na masaya ka, pinapakita mo lang ba na hindi ka apektado pero sa isip mo apektadong-apektado ka na talaga. Kapag nakikita mo syang masaya, kapag nakikita mong wala syang pakielam sayo, masakit syempre, pero hindi mo naman kailangan na damdamin yun, tama lang na lokohin mo ang sarili mo, kesa naman ibandera mo sa mundo ang mukha mong byernes-santo, ipamukha mo sa kanya ang paghihimutok mo na wala din namang pupuntahan dahil wala nga syang pakielam sayo. Wala syang pakielam sayo.

