Sometimes I worry.

I worry that you’ve gotten tired of me. I worry that I bore you. I worry that you’re talking to someone else, someone better. I don’t mean to, but my problem is that I over think things too much. Before, almost everything didn’t turn out so well and I guess I’m just scared. I know I shouldn’t be, but I can’t help but to worry.

When I was rocking jelly and had a little belly, who woulda ever thought, you’d think I was sexy. I say it with an attitude, I admit I came off rude, but still you love me. I know I get on your nerves sometimes and I don’t know why, you take me as I am. Even though my girls can’t understand, I choose you as my man, ‘cause you take me as I am. <3

lalalalala..

You walk by me everyday and say hello. Everyday you take time out to listen to me. You talk to me, smile at me, laugh with me, and have fun with me. Well, I talk, smile and laugh too, but inside I’m hurting. Deep down it hurts to be with you because I love you and you are only a friend.
Never invest deep feelings for someone. Never hope that they’ll love you the way you want them to. Never expect that those sweet gestures and sweet words are true.
Entry for today

Di ka nya mahal?

E ano naman kung hindi ka nya mahal? O hindi ka PA nya mahal?

Malay mo naman, hindi nya lang maamin sa sarili nya na gusto ka din nya. Siguro inaantay nya lang na magparamdam ka sa kanya.

Siguro gusto nya nililigawan sya. Hindi yung paramdam ka lang ng paramdam. Ano? Manghuhula na lang sya sa mga kinikilos mo? Syempre ayaw nya naman mag mukhang ‘feeling’ diba?

Siguro nga hindi ka pa nya mahal ngayon, pero subukan mong iparamdam. Patunayan mo na karapat-dapat ka nyang mahalin. Patunayan mo na ikaw yung para sa kanya.

Kapag may tyagga, may nilaga.

M A R T Y R

Minsan sa isang relayon, hindi sapat yung basta mahal mo lang. Hindi din tama yung ibibigay mo ang lahat, ang pera mo, ang katawan mo, mga materyal na bagay at kung ano-ano pang gusto ng karelasyon mo.

Alam mo nang ginagamit ka, papaka tanga ka pa. May jowa na nga yung tao, text pa din kayo ng text. Oo nga at siya ang unang nagtetext. Oo nga at siya ang nagyayaya lumabas. E pumapayag ka naman. Kahit alam mong may jowa siya. Kaloka. Tapos magrereklamo ka. Sasabihin mong “Sobrang pathetic ko na” Aba naman, proud ka pa ba?

Hindi naman masama magmahal e. Pero know your limits. Hindi naman kasi sa lahat ng oras uubra yung line ni Kim Chiu na “Tanga na kung tanga pero mahal kita” Yes, very touching. Pero kung hindi ka talaga mahal ng mahal mo at alam mong ginagamit ka lang, at alam mong nagpapakamartir ka na, Back off na.

Tapos sasabihin mong hindi mo alam ang gagawin mo? Na hindi mo kaya umiwas dahil “Mahal na mahal ko siya e” E hindi ka nga mahal e! Anong gagawin natin? Papaka tanga ka hanggang mahalin ka? E pano kung di ka talaga mamahalin niyan?


Hindi totoong kapag pinatunayan mo kung gano mo sya kamahal, mamahalin ka din niya. Minsan kahit naibigay mo na lahat, balak mo pa ibigay ang kulang, walang effect yan. Lalo na kung may iba siyang mahal.


Tapos kinokontak ka lang niya kapag warla sila ng jowa niya? At ang malala niyan, ine entertain mo pa. Anong nangyari? Tapos sa huli ikaw ang magrereklamo, ikaw ang iiyak gabi gabi? Ikaw ang iinom ng iinom dahil problemado ka? Wow.


Ang mga ganung tao, yung mga manggagamit, dapat iniiwasan yan. Dapat hindi pinagaaksayahan ng panahon. Kahit pa sinabihan ka niya ng ‘I love you’ pero alam mong mahal niya yung jowa niya, wag kang umasa. Tandaan na hindi lahat ng ‘I love you’ totoo. So ano yun? Mahal ka niya kapag single siya? Ay puta foul.


Anong gagawin mo? Diba iiwas? “E mahal ko nga e, hindi ko kaya” Yang rason na yan, hindi rin totoo minsan e. Nasanay ka lang siguro na nandyan siya, na sweet siya sayo. Ang tanong: Hindi ba siya sweet sa jow niya? Malamang lamang mas sweet siya dun. Diba?


The fact na may jowa siya at tinetext ka pa at niyaya ka lumabas at ikaw ang magbabayad lahat, you SHOULD KNOW. Ginagamit ka lang. Wag kang maging proud na rebound ka lang. Puta maraming pamalit diyan. Wag na wag mong sasabihing “Wala na akong makikitang katulad niya” Duh, alangan namang katulad pa niya ang hanapin mo diba? Edi sinaktan ka ulit? Pinerahan ka ulit? Pinaasa ka ulit? Ginamit ka lang ulit?


Main point is: Wag magpaka tanga. Marami pa diyang iba na mas makaka appreciate sayo. Na mas worth ng oras mo, ng pera mo, ng katawan mo, ng buong pagmamahal mo. Kailangang tandaan na dapat mas mahal mo ang sarili mo kesa sa iba. Kasi kung mas mahal mo sila at hindi mo sila kayang mawala, talong talo ka.

Babae

Paano kung merong isang taong napalapit sayo? Yung tipong gusto mo sya at feeling mo gusto ka din naman nya, pero, BABAE ka?

E kase naman, bat ba ang hirap maging babae kung minsan? Kahit sabihin pang 21st century na ‘to, iba na ang mundong ginagalawan natin at hindi na uso si Maria Clara, iba pa din pag ang babae ang unang gagawa ng move. Unang mag teteks at unang mag-ch-chat. Yung unang lalapit at kakausap sa lalake. Minsan mahirap magmukhang obsessed.

Paano na nga yun, paano na lang kung gusto mo syang i-teks? O kaya naman gusto mo syang i-chat sa Facebook. Ngangahan nalang ba ang drama? Pagmamasdan at tititigan mo nalang ba babae ang pangalan ni lalake sa phonebook mo or sa chatbox? Hanggang ganun nalang ba ang emote mo ‘Te?

Sa totoo lang, wala naman sense tong post na to e. Wala akong sagot sa mga tanong ko. Akala nyo may mapapala kayo dito no?

Nganga na lang siguro ako. Magbabasa ng love story sa wattpad, makikinig ng love songs at iintayin ang maraming bukas hanggang dumating ang tagsibol sa aking lovelife. Sa aking LOVE LIFE.

Note: Relationship Status ko? Its Constipated. Meaning, hirap akong ilabas ang feelings ko para sa kanya. Echos! Wala naman talaga e. :)))))))))

Ayos mga balita ngayon e no, puro bugbugan.

Gusto mo bugbugin kita? Ng yakap, halik at pagmamahal ko? hahaha.

Bugbugan, It’s more fun in the Philippines. hahaha!

Friends vs Lover
“Kahit sabihin mo pa na mas mahalaga SILA kesa sa KANYA, uunahin at uunahin mo pa din SYA.”

Wag na wag mong sasabihin sa tropa mo na mas mahalaga sila kesa sa taong gusto mo, na kung papipiliin ka kung tropa o lovelife e tropa ang pipiliin mo, wag kang impokrito/ta. 

Aminin mo, mas gusto mo minsan o madalas na kayo lang dalawa, pag nga may gimik ang barkada hindi ka na nakakasama. Minsan naman matagal ng planado ang lakad nyo ng tropa, biglang “ay may lakad kami ni gf/bf e, sorry can’t go”, badtrip lang di ba?

Wag kang mag sasalita ng tapos. Wag ka din mag sasalita ng bagay na taliwas naman sa mga ginagawa mo.

Hindi mo kailangan paasahin ang mga kaibigan mo sa mga bagay na mas malabo pa kay boy pick-up.


Never be a fucking option! Ü

Hindi mo kailangan mag-sorry kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sakin. Hindi ko rin naman akalain na mag tatapat ka at magpaparamdam ng ganun. Pero kung hindi ka sigurado, wala naman akong keme dun e. Tutal ikaw naman yung nakaka-ramdam nyan at hindi ako, nasa sa iyo yan kung ano ba talagang gusto mo.

Hindi mo naman kailangan mag-sorry sakin kase unang-una nga hindi naman tayo, at hindi ko rin naman alam na may ganun palang feelings ka para sakin. Pero wag na wag kang ma-a-iloveyou sakin kung hindi ka naman sincere at may nararamdaman ka pa sa dati mong gusto. Para kasing napakadali mong sabihin yung word na yun kahit hindi ka naman sigurado. Mamaya nyan maniwala ako, hindi naman pala totoo. Mabuti na yung nililinaw ko na bago pa mahuli ang lahat.

Saka alam mo naman na ayaw ko na binabago ako, nakilala mo ako ng ganito, tanggapin mo ako ng ganito, hindi mo naman siguro ako magugustuhan kung ayaw mo ng may bisyo ako diba? Saka hindi ako dapat ang kinikilala mo, ikaw dapat ang kinikilala ko at ikaw ang dapat nag babago.

Diba?

Masaya ka ba talaga?

O nagpapanggap ka lang? Pinapakita mo lang ba sa kanya na masaya ka, pinapakita mo lang ba na hindi ka apektado pero sa isip mo apektadong-apektado ka na talaga. Kapag nakikita mo syang masaya, kapag nakikita mong wala syang pakielam sayo, masakit syempre, pero hindi mo naman kailangan na damdamin yun, tama lang na lokohin mo ang sarili mo, kesa naman ibandera mo sa mundo ang mukha mong byernes-santo, ipamukha mo sa kanya ang paghihimutok mo na wala din namang pupuntahan dahil wala nga syang pakielam sayo. Wala syang pakielam sayo.

Dear Kupido

Bakit ang daya-daya mo. Ang unfair mo sobra.

Kelan mo ba ko papanain at papanain mo din yung taong nili-link mo sakin? Para mutual naman at hindi one-sided-love lang. Kase sa totoo lang, sawang-sawa na ko. Sa totoo lang, ayoko na.

Ayoko ng maranasan yung ako lang yung iiyak, ako lang yung maiinlab, ako lang yung magmumukhang tanga at ako lang yung nasasaktan. Naaawa din ako sa sarili ko, ang galing ko kaseng mag-payo sa iba, pero ako, hindi ko kayang gawin para sa sarili ko.

Sana minsan maging fair ka naman, kahit minsan lang.