Minsang ang tao may pagka-timang kapag nasa isang relasyon, yung iniisip lagi na may mali sa relasyon nila pero wala naman talaga. Kase nga praning kaya isip ng isip.
Yung mga tanong na.. “Mahal nya ba talaga ko?” “Mahal nya pa ba ko?” “Baka may iba na sya?” “Baka ipagpalit nya na ko?” “Boring na yata ako?” “Nasasakal ko na ba sya?” “Hindi na ba ako attractive sa paningin nya?’ Minsan pa nga pinag aawayan yung mga naiisip ng isa na “nagsisisi ba sya na ako ang karelasyon nya ngayon?”.
Yung mga bagay na hindi naman dapat pino-problema e pino-problema dahil sa sobrang paranoid, sa kapraningan. Minsan ang taong yun mismo ang problema at hindi ang relasyon nila.
Minsan kailangan lang ng tiwala. Kung mapapatunayan man na may problema sa relasyon, maigi na solusyunan agad upang hindi na lumala.

