TWITTER?
Follow nyo naman ako, sa mga gusto. Gusto ko ng maging active sa twitter. Antagal ko ng ginawa ang twitter account ko, mga 2yrs ago. Pero ngayon ko lang nagagamit. Nung isang araw lang yata. :))
Here: janinamheicy :))))
Follow nyo naman ako, sa mga gusto. Gusto ko ng maging active sa twitter. Antagal ko ng ginawa ang twitter account ko, mga 2yrs ago. Pero ngayon ko lang nagagamit. Nung isang araw lang yata. :))
Here: janinamheicy :))))
Tatlong araw na since nag-start ang class namin. So far so good. Yung ibang prof nagtuturo na, yung iba naman discussion lang ng bagong grading system, attendance and course syllabus, then okay na.
Nung first day, ewan ko ba bat sinipag ako, well ganun naman talaga ang studyante, pag first day masipag tas kalaunan tatamarin naahem!. Binilang na nga namin ng mga tropa ko kung sino yung mga mukhang mapapariwara sa mga freshmen. hahaha! Yung iba kase, mapa-lalake o babae, freshmen pa lang todo yosi na, ang aangas na. Ewan ko nalang kung kayanin nila. hahaha. :)))))))))
Second day 8am ang klase ko, pinasukan ko din kase major subject, di ko pa alam kung sino ang prof, baka masipag e magturo agad kaya pumasok ako. Yung thesis adviser pala namin yung prof namin dun, nag discuss na lang sya about sa grading system, syllabus, attendance then tapos na, next meeting daw ang klase. Sumunod nun nakipag-bonding ako sa madaming tao, iba-iba. Feeling ko ang dami kong kaibigan sa school. Kase kahit wala yung mga orig na tropa ko, may nakaka-sama pa din ako. 10pm na nga ako naka-uwi sa bahay e, tambay lang sa school tas kwentuhan at kung ano-ano pa. Oo nga pala, sa college nyo ba may videoke sa canteen? Samin meron, kulang nalang alak. hahaha. :))))
Third day, panget ang umpisa ng araw ko. BV kase sa bahay. As usual, gawa na naman ng aking mga butihing magulang. Pero sumaya naman ang araw ko kasama si Munch(simplyme-mimi) at ang CoolGuys, later on nung mga 6:30 na, nag SM kami ni Munch at Shiro (walang tumblr). Sobrang saya. Sabi nga nila ang lungkot napapalitan ng saya.
Ewan ko ba, ang non-sense ng kwento ko. Pweo gusto ko talagang i-share to kase feeling ko talaga binigyan ako ng maraming kaibigan ni God para ma-motivate ako na ipagpatuloy ang buhay ko. Thank you Lord. :)))))))
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa mga kaibigan ko na na-a-adapt na yung “PARANG” term tas yung pag bigkas nila, based dun sa way ng pagbigkas ny Myrtle (PBB Teens). Ewan ko ba, naaartehan ako sa mga batang yun.
Oo affected ako sa PBB Teens. Kung sa impeachment ni CJ Corona wala akong pakielam, dito may pakielam ako. Buti ba kung sila ang first ever batch ng PBB at hindi pa sila ganun ka-aware na napapanuod sila sa buong mundo, pinapakita pa nila ang mga katangahan nila. hahaha. Wala, ang korni na ng PBB.
Note: Dahil sa wala akong pakielam sa impeachment ni CJ Corona hindi ibig sabihin nun wala na akong pakielam na mamamayan. Mas marami lang talagang bagay o problema ang Pinas na dapat inuunang solusyonan ng pamahalaan kesa sa lintik na accounts ni Corona.
Note ulit: walang kwenta post ko no? Saree na. :)))))
Paano kapag nanaginip ka na lumilipad ka daw? Ganun kase lagi ang panaginip ko e. Nalipad. May humahabol daw sakin tas lilipad ako.
Minsan naman kapag nalipad ako, paginisip ko na lumipad, lilipad ako, minsan ayaw. Minsan kapag lumilipad na ako, may nakaharang naman or parang bababa agad ako. Minsan naman tuloy-tuloy.
Tinanong ko si Google. Eto sabi:
To dream of flying is usually a pleasant experience and is accompanied by a sense of exhilaration and freedom. It usually feels completely natural as if we have somehow always known how to do this. Rarely is the dream accompanied by a fear of heights or of falling. Flying may symbolize liberation from something that’s been troubling you. The obstructions and shackles that have held you down have been released and you can now experience the same sense of freedom that we see in the birds that soar in the sky. The sky may symbolize consciousness and spirituality so to dream of flying can represent the expansion of your awareness and the unfolding of your higher self.
Ano daw? Symbolize freedom? Liberation? La! Siguro pangarap kong mag-karoon ng freedom. Maging independent. Oo, totoo yun. Yun naman talaga ang gusto ko, pero sa ngayon, mukhang sa panaginip ko nalang muna makakamit. lesheng layp. :))))
Note: First day of school bukas. Konti nalang, g-graduate na ko. :))
Paano kung merong isang taong napalapit sayo? Yung tipong gusto mo sya at feeling mo gusto ka din naman nya, pero, BABAE ka?
E kase naman, bat ba ang hirap maging babae kung minsan? Kahit sabihin pang 21st century na ‘to, iba na ang mundong ginagalawan natin at hindi na uso si Maria Clara, iba pa din pag ang babae ang unang gagawa ng move. Unang mag teteks at unang mag-ch-chat. Yung unang lalapit at kakausap sa lalake. Minsan mahirap magmukhang obsessed.
Paano na nga yun, paano na lang kung gusto mo syang i-teks? O kaya naman gusto mo syang i-chat sa Facebook. Ngangahan nalang ba ang drama? Pagmamasdan at tititigan mo nalang ba babae ang pangalan ni lalake sa phonebook mo or sa chatbox? Hanggang ganun nalang ba ang emote mo ‘Te?
Sa totoo lang, wala naman sense tong post na to e. Wala akong sagot sa mga tanong ko. Akala nyo may mapapala kayo dito no?
Nganga na lang siguro ako. Magbabasa ng love story sa wattpad, makikinig ng love songs at iintayin ang maraming bukas hanggang dumating ang tagsibol sa aking lovelife. Sa aking LOVE LIFE.
Note: Relationship Status ko? Its Constipated. Meaning, hirap akong ilabas ang feelings ko para sa kanya. Echos! Wala naman talaga e. :)))))))))
Buti pa ang tumblr, okay. haha. Ako hindi e. Yung bakasyon ko, walang kwenta. Sa monday, school na naman. Pasukan na ulit.
Na-realize ko, nung lumipat ako ng school, parang tumanda ang itsura ko at lalo akong tumaba.
Nakikita ko yung mga photos ko nung nasa CvSU pa ako, bagay sakin ang magpa-tweetums, ngayon hindi na. Wala na. Pati sense of fashion ko hindi ko na ma-apply. Wala na talaga. Ayoko na. Nakaka-tanda pala talaga ang stress. Samantalang sa CvSU nun e lagi akong naka-smile.
Teka, mali, hindi dahil sa pag-aaral ako na-i-stress. Mali yun. Kase nung nasa CvSU ako, less yung problema sa bahay. Less sigawan, less away, less ang pag-simangot ko. Ngayon x10 yata lahat. Lalo na sa pag-aalaga sa pamangkin ko. Kahit na mahal na mahal ko yun, nakaka-pagod din naman no. Tas sasabayan pa ng pagbubunganga ni Mama at kung anong kaekekan ni Tatay. Uber lang.
Tss. Lesheng layp. Ewan ko nga ba. Gusto ko ng pumayat. Gusto ko ng masuot yung mga gusto kong style. Di na kase nabagay e. Tss.
Yes I know, lack of confidence. May reason kung bakit kulang na kulang ako sa bagay na yun. Hindi dahil sa mataba ako, well maybe, Oo, pero alam ko yun at accept ko naman. Hindi ko na uulitin kung ano yung pini-point out ko na reason na yun. Nasa ilang entry ko yun e. :)))))))))))
Na-miss ko ang tumblr. Naa-adik kase ako sa wattpad nitong mga nakaraang araw, linggo at bwan. haha.
O’sya. Till here na lang muna. Alam kong wala na masyadong kabuluhan yung iba kong entry, puro kwento nalang. Walangya. Hindi na kase ako naglalasheng e. Hayaan nyo, pag naglasheng ako, magkakaroon na din ulit ng sense ang blog ko.
Bbye muna. Mua mua, tsup tsup. Happy Birthday Bossing! :))))
Happy Mother’s Day sa lahat ng mudrakels sa buong mundo. Happy Mother’s day sa aking pinakama-mahal na Mama. Kahit gaano man kasakit ang mga salita nya, kahit gaano man kami kadalas mag away, mahal na mahal ko yan. Syempre yung Tatay ko din, mahal na mahal ko, pero sa susunod na sya, pag-Father’s day na. hahaha. :)))))
IloveyouMama. Mua mua tsup tsup. :*
Hello Joe! Kamusta ka na? Siguro kapiling mo na si God, alam kong hindi ka nya pababayaan. Joe, ang bilis ng panahon, bigla ka nalang nawala. Ganun pala talaga yun no, yung tipong kelan lang magkasama kayo, nag uusap, tas malalaman mo wala na pala. Nakakalungkot. Sobra.
Joe naiimagine ko si Ivine, kung paano sya ngayon, kung gaano sya kalungkot. Hayaan mo muna syang malungkot Joe, kase alam mo namna kung gaano ka kamahal ng pinsan mo diba? Sana lang in time, ibulong mo kay God na sana sumaya sya, pati yung pamilya mo, siguro ang lungkot lungkot nila ngayon pero in time din, pasasayahin ulit sila ni God.
Joe, naalala mo ba nun, yung klase natin sa FELEC3, yung kay sir Rellie? Yung kumanta ako? Hindi ko na matandaan, pero fireworks yata yung kinanta ko nun. Inumpisahan ko yung kanya, nakikinig ka nga e, tapos nakalimutan ko yung kasunod, kaya nag refrain na ako agad tas chorus. Natawa ka bigla, lumaktaw kase ako, tas sa t’wing maririnig mong kumakanta ako, lolokohin mo na ko tas sasabihin mo na “lalaktaw na naman yan, chorus agad” tas tatawa ka, yung sarcastic na tawa.
Nakaka-miss ka Joe. Lalo na yung pag nakikita kita, yung niyayakap kita kase naman super hug-able ka. Nakakamiss din yun Joe.
Joe, may your soul rest in peace.
We will never forget you. CENGITS will always love you.
May nabasa ako dito sa tumblr na tungkol dun sa sakit daw ni Tricia Santos of PBB Teen. Well, para lang sa mga naniniwala sa balita na yun, eto na yung katotohanan. :)))))))
Dear Lord, I’m dying.
Narinig ko si Mama kanina, kausap si Ate sa phone. Sinasabi nya na lagi daw ako naalis at ginagabi. Pag naalis ako, san ba ako napunta? Sa school lang naman, pag tapos ng school dun na yung gala. Saka sinasadya ko talagang mag pagabi, kesa naman dito sa bahay, parang nakikipag-usap sa hangin. Kesa naman marinig ko yung mga panunumbat nila, mura at pang-d-down nila sakin, minamabuti ko na lang magpagabi. Nagteteks naman ako sa kanila e. Okay na yun.
Saka ilang beses lang ako naka-alis simula nung pasukan no, burong-buro na nga ako dito sa bahay. Talagang nagsumbong pa sila kay Ate. Parang ang sama-sama kong anak e no.
Sana naisip nila na ilang taon pa lang ba ako, kahit dati wala naman silang pakeelam. Oo, pinapakain nila ako, pero yung atensyon, wala silang ibinibigay. Di ba dapat sila yung gumagabay sakin at nagtuturo ng mga bagay na hindi ko pa alam, kase nga bata pa e, madami pang hindi alam sa mundo, dapat itinuturo na nila yung mga lessons. Pero hindi e, sila pa yung nag papamukha sakin na wala akong alam.
Sobrang sakit lang talaga. Kaya minsan nasasagot ko na sila kase hindi ko na kinakayang intindihin sila. Sobrang sakit lang sa isang anak na marinig mo sa mga magulang mo, sa mga taong inaasahan mong daramay sayo ang mga ganung salita. (di ko na sasabihin kung ano yun, pero super nakaka-down)
Minsan nga naiisip ko na para din akong katulad ng iba na walang magulang. Yun nga lang, mas swerte ako kase andyan sila, pero parang wala din kase yung presensya nila anjan lang pagsusumbatan nila ako.
Note: nagpaalam na pala ako sa pamangkin kong si Miggy. Mahal na mahal ko yun. Umiiyak ako sa kwarto ko kanina, andun din sya. Sabi ko mami-miss ko sya at mahal na mahal ko sya. At totoo naman yun.
Okay naman ako. Nung isang araw pa nangyare ang lahat. Okay na ako. ;))
Sa june. ;) Ewan ko, di pa ko sure, pero handa na yung iba kong mga gamit. Bwahaha! And gumawa na din ako ng resume para makapag- apply, naghahanap na din ako ng matutuluyan ko. Pero hindi pa talaga ako sure ha. ;)
Gusto mo bugbugin kita? Ng yakap, halik at pagmamahal ko? hahaha.
Bugbugan, It’s more fun in the Philippines. hahaha!
Nung isang araw, nag-talo kami ng tatay ko, actually sya lang naman tong galit na galit.
Hindi ko na ilalahad pa ang buong pangyayare, kung bakit kami nag-talo, basta inungkat nya na naman ang lahat lahat, lagi daw akong umaalis tas ginagabi daw ng uwi. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na halos buong bakasyon e nasa bahay lang ako, yung iba nga nakakapunta sa mga beach o kung saan, yung totoong bakasyon, samantalang ako sa bahay lang, kung hindi nga sa pag-aasikaso ng thesis makaka-alis ba ako ng bahay, kung hindi ba bininyagan yung pamankin ng tropa ko makaka-lakwatsa ba ako, hindi naman, kase ang gusto nila pag bakasyon, sa bahay lang, linis, alaga ng pamangkin.
Tapos ang sabi ni tatay kahit kelan daw hindi daw nya naramdaman na mahal ko sila. Hello! Sino ba ang nag bibigay sa kanila tuwing pasko, birthday, mother/father’s day ng card ng punong puno ng message, sino ang laging nag-a-iloveyou sa kanila at humahalik sa kanila pag aalis ng bahay, AKO lang naman. AKO.
Sila nga yung kahit minsan hindi pinaramdam sakin na mahal nila ako, yung simpleng yayakapin ko lang si Mama, magagalit sya, mainit daw nakakairita daw. Pag gusto ko ng kausap, hindi ko sila makausap, maybe because gawa ng age gap namin, and I understand, kaya nga coping mechanism ko na lang yung pag c-computer e at paglalakwatsa, you know what I mean.
Oo nga at pinag-aaral nila ako, pinapatira sa bahay at pinapakain nila ako, at nagpapasalamat ako dun, pero hindi nila dapat isumbat sakin yung kahit na kalian dahil obligasyon ng mga magulang na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak, responsibilidad nila yun.
Minsan pa sasabihin nila na naibibigay nila ang mga bagay na gusto ko, unang-una, mga basic needs lang ang hinihingi ko, yung mga damit ko, pabango, lotion, padala lang lahat ng ate ko yun, once a year lang yun, tas yung mga pang-sexy pa na hindi ko naman nasusuot yung mga damit na pinapadala ni ate, kaya yung mga lumang damit ko pa din ang isinusuot ko. Pag nang-hingi ako ng pambili ng sapatos, para daw nagtatae ng pera, e samantalang 200-300 lang ang hinihingi ko, sa tyangge nga ako nabili ng sapatos para mura e, pasalamat sila st hindi ako nahingi ng libo-libo para bumili ng mamahaling mga gamit sa mall. Lahat ng nagging cellphone ko, pinaglumaan lang yun ng ate ko. Yung unang PC ko nga e, elementary pa lang ako gamit na ng ate ko, nung nag highschool ako, pinadala ng ate ko, hanggang third or fourth year college ako gamit ko pa din yun, hanggang sa nasira na ng tuluyan. Hindi ako materialistic, mas gusto ko pa yung mumurahin, basta meron, kesa sa wala.
Sabi din ng tatay ko na kung ayaw ko daw magpasakop sa patakaran sa bahay, pagdating ko dawn g 20yrsold, umalis na daw ako samin. Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi nya, parang ang tagal ko ng pinangarap ang bagay na yun. Pumalakpak ang tenga ko e. Sa wakas, magiging Malaya na din ako, hindi sa responsibilidad, alam kong kapag ako nalang sa buhay, mas mahirap, ako lahat e, pag di ako kumilos, nganga ako. What I mean sa malaya e is yung malaya sa mga mura nila, pangmamaliit nila, yung bawat kilos ko mali, yung pangmamaliit nila sakin, yung pag tawag sakin na tanga ako, mangmang, walang pakinabang, bobo, lahat na daw nasa akin, lahat ng kapintasan. Mahal na mahal nila ako e no?
Ayoko silang iwanan kase alam kong hindi ko sila matitiis. Yung simpleng pagtatampuhan nga lang naming minsan e, yung pag nasasagot ko sila, ako yung magsosorry, kase ako naman dapat ang magpakumbaba e, kase ako ang anak. Pero eto na e, pinapalaya na nila ko, hindi ko na kailangan magsinungaling para lang maging masaya ako. Hindi ko na kailangan magsinungaling at makagawa ng kasalanan sa kanila para lang magawa ko ang gusto ko at mga bagay na magpapasaya sakin.
Saka isa pa, pag nasa puder nila ako, parang wala akong alam sa mundo, parang nandun lang ako, nakakulong, maraming bagay na hindi alam.
Kaya gusto kong kumawala. Gusto kong umalis. Gustong gusto ko.
Note: Hindi ko sinasabi na masamang magulang ang mga magulang ko. Alam ko din naman na mahal nila ako, lalo na ang mama ko. Pero eto na yun e. Naglalabas lang ako ng hinanakit ko, mga bagay na ayoko naman isumbats a kanila kase alam kong masasaktan sila, kasing sakit nung sakit na nararamdaman ko sa t’wing may naririnig akong ekek mula sa kanila. O’wel, ganto na e.
Note ulit: Mahal na mahal ko ang pamilya ko. >:))))